Paglabas ko ng cubicle, pakiramdam ko lahat ng tao alam na HIV+ ako.
Pakiramdam ko lahat sila nakatingin sakin.
Hinuhusgahan ako... Kinaaawaan... Pinandidirian...
Lumabas na ako sa testing area... Ramdam ko ang init ng araw... init na ilang oras lamang bago ako nagpa test ay inirereklamo ko. Ngunit nung mga oras na iyon... Parang iyon na ang huling pagkakataon na mararamdaman ko ang init ng araw.
Isa lang ang nasa isip ko nung mga oras na yun. Kailangan malaman ni Chart na HIV+ ako.
Hindi ko alam kung paano at saan. Pero sigurado ako na kailangan nya malaman agad.
Naalala ko pa ung sinabi ko sa kanya. "I need to feel good about myself so I can feel good about us!"
Ito na nga siguro ung dapat matagal ko nang ginawa.
Napatunayan ko sa puntong iyon na mahal na mahal ko siya..
Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko na sana ako nalang... Sana hindi siya...
Blanko ang isip ko... Naiisip ko ang masasayang araw ko kasama si Chart... Naisip ko ung mga panahong ipinangako ko sa kanya na huling beses ko na cyang sasaktan... Mga araw na nakikipag balikan siya pero ayoko sa dahilang gusto ko lamang mapag isa.
Paano ngayon? Hindi ko sya pwedeng basta na lamang iwan..
Malamang nahawa ko siya...
Eh paano kung siya ang nakahawa sayo? Hindi ka naman sigurado na ikaw ang nakahawa ah!
Tila ako at ang sarili ko ay may pagtatalo...
Kinuha ko ang cellphone ko... Tinawagan ko sya... Naluluha ako nuon.. Pinilit ko gawing normal ang boses ko... Nanginginig akong naghintay na masagot nya ang tawag ko...
O Bakit?? Sabi nya..Habang nasa byahe... Tulala pa din ako... Iniisip ko ilang taon kaya ako mabubuhay.. Paano yung mga mahal ko sa buhay.. Tiyak masasaktan sila...
-Asan ka??
Asa bahay lang.. mag sisimba ako mamaya bakit??
- ahhh... san ba magandang magbakasyon? Tara! alis tayo! mag empake ka!
Huh? Saan pupunta? Anu na naman ba ito?
- Ung sasakay lang tayo ng kahit anung bus tapos kahit san tayo mapadpad.
Totoo ba to? Baka masaktan lang ako.. Kung masasaktan lang ulit ako... Wag nalang...
- Ayaw mo??
Gusto!!! Hihintayin kita dito sa bahay... Kasi naman eh...
- Sige pauwi na aq... Mag empake kna ha!
Paano ko babaguhin ung buhay ko.. ung makasisiguro ako na kahit kelan man ako kuhanin ay ready ako...
Malapit na ako sa bahay namin... Alam ko hinihintay nya ako... Nananabik sya sa pagbabalik ko...
Naisip ko... Hindi na siguro ako makapag hihintay na umalis pa kami... Gusto ko na sabihin sa kanya...
Pagdating ko nakahiga sya... Nagbihis ako... Matamlay ang pakiramdam ko... Parang hinang hina ako...
Humiga ako sa tabi nya... Napansin nya na matamlay ako...
May sakit kba??- Wala... Dont worry...
Parang matamlay ka...- Dont worry...
Mga ilang minuto din ang nakalipas bago ako nagkalakas ng loob magsalita muli.
- Gaano moko kamahal??- What if I tell you I am dying??
Hindi ko alam... Kung alam ko lang sana alam ko din kung paano mag move on....
Huh??? Anung ibig mong sabihin?? Bakit???
Nagpa test ka?? May HIV ka??
Hindi ko na napigilan ang sarili ko... Lumabas na din ang kanina ko pang pinipigil na pag iyak...
Yinakap nya ako... Pareho kaming humahagulgol...
"Maaring meron na din ako Kevin!"
"Pero napag usapan na natin to dati! Kung sakali man na magkakasakit ka o ako.. Hindi tayo mag iiwanan."
Umiyak na din sya... Hindi ko kayang nakikita syang umiiyak... Doble ang sakit sa akin.. Lalo pat alam ko na maaring ako ang nakahawa sa kanya...
Ikinuwento ko sa kanya paano ako naglakas ng loob magpa test..
Nag usap kami... Nag plano... Nagdesisyon na din kami na bukas na bukas din ay sasamahan nya ako para sa laboratory tests ko...
Bukas din ay magpapa check sya...
Bukas maaring mag iba ang buhay nya..
Paano nga ba magmamahal ang pusong maaring bilang na ang pagtibok??
Itutuloy.....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento